Japan! Japan! Kelan ba kita Mapupuntahan?

Sabi nila, to feel good, you have to think about things that make you happy. Think about those things you want to achieve, your dreams and aspiration, so you can attract positive energy. Kasi daw, if you can imagine it, you can create it and if you can dream it, you can become it. Kaya kesa mag-emo ako, nagdaydream na lang ako sa future journey ko sa 'the land of the rising sun'.

Pangarap ko talagang puntahan ang Japan ever since my world began. Nakaka-amaze kasi na modern at traditional sila at the same time. Keep moving forward without leaving their tradition behind and motto nila. Astig! Nalaalala ko dati yung palabas sa Channel 13 na puro tungkol sa Japan. Kahit ilang beses ko na napanuod yun, unlimited ko pa rin syang pinapanuod na halos makabisado ko na sya. Haha. Sa kakapanood din ng anime at kakabasa ng manga, lagi kong sinasabi sa sarili ko, syet, pupuntahan ko din yan, gagawin ko din yan.

Japan talaga ang isa sa mga pinakapaborito kong bansa sa buong mundo (syempre next to my dear Philippines). Alam mo yung feeling na everything seems so familiar although you know you've never been there? (ʘ_ʘ) (Pasensya na sa Taglish ko). Baliw lang talaga ako.

Anyway, matagal ko na ring pinapangarap at pinaplano yung mga gagawin ko pag nakapunta na ako sa Japan. Para hindi ko makalimutan, gumawa ako ng listahan. I-share ko lang para lagi kong maaalala pag nagfe-fesbuk ako at may magpaalala din sakin. Haha

1. Sakura Festival. Ilang beses ko ng napanuod sa anime to at parang ang saya-saya nya. Na-imagine ko ang sarili ko na naka-kimono, habang nanunuod ng pamumukadkad ng bulaklak ng Sakura at kumakain ng authentic takoyaki na binili ko sa tindahan sa tabi. Nature appreciation ang trip ko, ano be?



2. Magsuot ng senior high school uniform at magpapicture sa mga Purikura (sticker photo machine). Mahilig ako sa cosplay pero never pa akong nagcosplay. Pero syempre gusto ko talagang magsuot ng ganung uniform. Mapagpanggap lang na estudyante. Minsan ko lang naman gagawin to, bakit hindi pa itodo. Hindi pa naman cguro halata sa fes ko na hindi na ako senior high. haha. Tapos maglalaro ako sa mga shopping arcade at magpipiktyur ng maraming-marami sa purikura. Tapos pag may sumaway saking adult sa pagbubulakbol ko kuno instead na mag-aral, kakantahin ko ang chorus ng Itsumo . Hindi kaya ako ipadeport nito sa kabaliwan? Adventure time!



3. Fuji Rock Festival! May napanood kasi akong anime before na tungkol sa isang aspiring all girls rock band (K-ON!). May pinuntahan silang music festival na parang kabundukan ang setting. Tapos ung site may 7 stages, ayun kaya sabay-sabay ang performance. Malas mo kung ung mga gusto mong panoorin sa magkaibang stage magperform kasi hiking ang drama mo papunta sa next stage. Sabi ko ang astig nung idea nung writer tapos recently, I found out na may ganun pala talagang festival!!! \(*° v °*)/ Its a 3-day celebration every last weekend of July. Although, hindi na sya ginaganap sa base ng Mt. Fuji pero astig pa din, umaabot ng 200 Japanese and international musicians ang magpe-perform. Rock on! Rawr!



4. Gumawa ng music video sa Shibuya. May napanood kasi akong music video na yung singer nag-eemote sa gitna ng isang busy street sa Japan. Ikaw na te! Habang umuulan pa yun ah at may dala pa syang clear na payong na mabibili sa Japan Home Centre. (Unfortunately, hindi ko na maalala at mahanap yung music video. haha) Pero ang ganda ng effects nya kasi dahil night yung shoot ang ganda ng reflection ng mga ilaw, lalo na sa clear na payong nya. Lakas maka bokeh! Nainspire tuloy ako! Haha. At perfect na location tong Shibuya sa dami ng ilaw. Feeling ko nga dito shinoot ung video na yun eh. Basta! Gusto ko yung eksena habang tumatawid lahat ng sabay-sabay at parang nakapila, tapos ako parang lost in translation lang. v (^.^) Like ko din magtour dito kasi fashion center din sya for bagets like me at dito raw ang nightlife. Perfect sa nocturnal na dyosang tulad ko. lol.
Dito rin pala yung rebulto ni Hachiko, sa tapat ng Shibuya station. :) (Sa mga hindi kilala sa Hachiko, panoorin nyo yung movie, maganda!)



5. Bullet Train. Sabi sa nabasa ko, para ka din daw sumakay ng eroplano sa bilis ng byahe dito, less hassle pa kasi within the ciity ang baba mo tapos nationwide pa ang train system nila. Gusto kong sakyan ung byahe papuntang probinsya (Tokyo to Aomori) para sight seeing ng bongga, parang anak-mayaman lang. Pero hindi kaya ako mahilo sa bilis ng byahe nito? Di bale magbaon na lang akong Bonamine.



6. Matulog sa Capsule Hotel. Feeling ko before claustrophobic ako, pero feeling ko nga lang pala yun. Kasi nasurvive ako sa spelunking sa Sagada e. Kaartehan ko lang pala na ayaw ko sa masikip at enclosed na place. So definitely, hindi ako magkaka problema dito. Once in a lifetime experience to! May pagka morgue nga lang ang peg. Pero mas mura daw accomodation dito at may wi-fi pa. Keriboom-boom! In the future, makikita nyo na lang sa news feed nyo, "Shiela checked in at Capsule Hotel in Osaka." (Oh di ba, yan ang fighting spirit!)




7. Visit Tokyo and Kyoto’s Ancient Sites. Alam nyo ba na ang Kyoto may 17 World Heritage sites? At syempre hindi ko pedeng palampasin yan. Im very fond of Japanese ancient architecture! Favorite ko ang Tokyo Imperial Palace. Lagi kong naaalala yung panahon ng mga shogun pag nakikita ko tong mga temple na to. Noong highschool ako, favorite kong subject ang Asian history, lalo na yung sa Japan, kasi yung pinapanuod kong anime ganun ang story. Nung first na nabasa ko sa libro yung mga names, sabi ko pamilyar. Yun pala sila yung mga characters sa anime na pinapanood ko. Wahaha! Ang galing ! Dahil dyan perfect ko ang exam! Haha. Pagpunta ko dito, magdadala ako nung payong na mukhang samurai at magsusuot ng yukata (casual summer kimono) with matching geta (wooden slippers) . Tapos mag posing na parang sinaunang bantay ng palasyo. lol




8. Experience Traditional Accommodation. Syempre, gusto ko din ma-experience ung tumira sa traditional Japanese house. Ang matulog sa kwartong tatami ang flooring at shoji ang dingding, tapos kumain sa lamesang mababa at kelangan nakaluhod, tapos magsabi ng "Itadakimasu" bago kumain at "Gochisosama" pagkatapos.




9. Magbabad sa onsen (hot spring). Mahilig ako sa hotspring kasi nakaka-relaks sya. Kaso dyahe dito kelangan naka burlesk. haha. Anyway, sabi nga nila, "When in Rome, do like the Romans do". Kakayanin to ng powers ko!




10. Magtour sa Tokyo na gamit ay bike. Pero keleangan ko munang mag-aral magbike. haha. Kaya ko lang kasi yung tatlong gulong. Pero ang saya sigurong magtour sa Tokyo na nakabike lang. Healthy na, mas ma-appreciate mo pa mga views. Endless love lang ang peg.




11. Matutong gumawa ng kyaraben (character bento). Noon pa lang, na-amaze na ako sa mga baon for lunch sa mga anime. Ang cute kasi eh! I tried making one before. Sinundan ko lang yung mga instruction sa internet pero hindi kasing ganda nung gawa nila yung result. Baka sakaling may secret recipe na sa Japan ko mang matutunan. haha




12. Mt. Fuji. Kahit man lang sana picture na background ang Mt. Fuji ma-achieve ko! Pero gusto ko sana yung parang YowaYowa ang style. haha. (Kung hindi alam ang YowaYowa, i-google ng ma-amaze. :) )




13. Tokyo Tower. Para sa akin, ang Tokyo Tower ang Eiffel Tower ng Japan. A must see! Lagi tong nagiging setting sa mga anime noon. Naalala ko tuloy ang Sakura Card Captors!  Kaya dapat mapuntahan ko to. Tapos maganda din daw ang view ditey.




14. Kyoto International Manga Museum. Museum ng mga manga!!! San ka pa? Kelangan ko na talagang ilevel up ang Nihongo ko para maintindihan ko mga manga dito!




15. Lose Myself In Akihabara. I love gadgets and electronics! This is definitely a haven for me kaso wala akong pera kaya sight seeing na lang kung ano latest technology nila. haha. Kuha na lang ako ng maraming-maraming pictures. May mga maid cafe din daw dito. Okay rin siguro makakita in real life. haha




16. Winter. Gusto ko kasing ma-experience ang winter. Gusto kong malaman ang lasa ng snow. lol. Gusto kong magboots at magjacket na fur. Ano be, sa lamig nga lang ng Baguio tuwang-tuwa na ako, winter pa kaya?



17. Geisha. Dahil sa movie na "Memoirs of a Geisha", gusto kong maka-meet ng real life Geisha. Gusto kong magpapicture sa Geisha. Kahit isang selfie lang. Puhleasssee...




18. Harajuku. Ito talaga favorite part ko. Tokyo Fashion!!!! Walang pakiaalaman kung anong suot basta kanya-kanyang gawa ng eksena. Bawal ang judge! Self expression ang fashion dito no! Promise!!! Tatambay ako dito ng whole day para mapiktyuran ang mga Harajuku girls and boys!




19. Ramen and other Japanese food. I super like Japanese food. At syempre pinaka-favorite ko ang Ramen kaya gusto kong ma-try yung authentic, made in Japan. Yung tipong sa mga maliliit na restaurant sa tabi-tabi mo kakainin tapos maririnig mo ung slurping of noodles all over the place. lol. Im craving. Give me Ramen!




20. Samurai. Fan talaga ako ng mga Samurai dahil sa kapapanood kina Kenshin Himura at Deeper Eyes Kyo nung kabataan ko. Kaya gusto kong mag-uwi ng samurai na made in Japan. haha. Hindi ko gagamitin sa masamang bagay, pang display lang po. Peace lover po ako.hehe





Gosh! My list will go on forever. Marami pa akong gustong idagdag. Siguro kelangan ko talagang tumira ng atleast one year sa Japan para magawa ko lahat ng nasa list na to at maraming-maraming salapi din. haha. Someday, I will. Promise. Within 5 years!

Antok na ako.
Oyasuminasai.

( *^* ) v
........................

***This was originally posted in my facebook notes last July 5, 2012. haha. 

This entry was posted on Monday, March 25, 2013 and is filed under ,,,,. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.

Leave a Reply